Monthly Archives: Marso 2011

PULPOLitiko of the Day

 

 

Ang maswerteng nagwagi ay ang…

 

 

 

 

Ang lupet! Etong sinabi ng DFA kay Mirasol Delfinado, kapatid ng binitay na si  Sally Ordinario-Villanueva.

 

“Pinatahimik nila kami. Sabi nila wag daw kami pumunta sa media para mangalampag, baka magalit ang Chinese government, tuluyan ang kapatid ko. Sila na raw ang bahala sa kaso ni ate”

Galing yan dito.

DFA ang bahala, si Ordinario ang kawawa! Inuna nyo pa ang kapakanan ng mga  Intsik kesa sa kababayan nyo!

 

 

 

Sa mga pinuno ng DFA,

<<<<  Etong premyo nyo! Suot nyo kahit saan kayo magpunta.

 

 

 

 

 

 


E-VAT sa langis, laking tipid kapag inalis!

 

 

 

Magkano ba ang matitipid pag ang E-VAT ay inalis?

 

Para sa mga drayber ng dyip na gumagamit ng diesel, ang price range na P39.20 – P41.35 bawat litro ay nangangahulugan ng VAT na P4.70-P4.96 bawat litro. Kung halimbawa’y sampung litro ang ipinakarga ng isang drayber sa kanyang dyip, simple lang ang ibig sabihin nito: Kumita nang halos P50 ang pamahalaan mula sa kanyang pamamasada!

At sa bawat pagbili ng LPG nina nanay at tatay, ang P686.00 – P753.00 na binabayaran ay nangangahulugan ng VAT na P82.32 – P90.36.  Malinaw na kumikita ang pamahalaan sa bawat pag-order mo ng LPG!

Kaso tinanggihan  ng gobyerno ang panukalang suspensiyon (Sen. Miguel Zubiri) at pagbawas (Sen. Ralph Recto) sa 12% na Expanded Value-Added Tax (E-VAT) sa mga produktong petrolyo. Tinatayang P6 kada litro  sana ang agad na mababawas sa presyo ng langis kapag tinanggal ang E-VAT.

Dagdag pang info.

 

 

 

 

 

May mga tumututol sa pag-alis sa E-VAT.  Sayang daw kasi ang malaking pera na nakukuha ng gobyerno dahil ginagamit daw ito sa mga serbisyong pang mahirap.

Pero teka, ayon sa Bayan (2004 data pa to, malamang mas tumaas pa to ngayon) nasa P100-150 bilyon ang nawawala sa tariff cuts, P32.6 bilyon sa fiscal incentives, P30.7-51.4 bilyon sa VAT evasion, at P51.3 billion para sa income tax evasion. Kabilang pa sa mga nasangkot sa tax credit scam ay ang dayuahng kompanya ng langis na Pilipinas Shell sa halagang P600 milyon. Yan ang dapat singilin ng gobyerno, hindi tayo!

Tapos eto pa, 20% ng ating national budget ay napupunta sa graft and corruption.

Pero ito lang ang punto ko mga tsong, kung aalisin o sususpendihin man ang E-VAT, tiyak direkatang mapapakinabangan ito ng mamamayan.  Kung dadadaan pa ang pera o buwis sa loob ng gobyerno tiyak paglabas, bawas na to at malabnaw na serbisyo ang naghinhintay sa ating mga Pilipino.

Kaw tsong? Anong gusto mo?

 

 

 


Sosyal ampucha!

 

 

 

Sa Bora lang naman  nag seminar ang mga opisyal ng Pasig. Bongga!

 

 

 

 

 

 

 

Sa Boracay Regency Hotel lang naman ang venue ng kanilang seminar.

 

 

 

 

 

 

 

At dito lang naman sila nag-stay sa Boracay Garden Resort.

 

Para uminit ulo nyo, basahin nyo dito.

 


Sila ba ang bagong Bayani?

 

 

Anong klaseng Bayani ang iyong sinasabi? Sa radio at TV iyong pinagmamalaki.


 

 

Isang awit bilang tugon sa mga sinasabi nilang Bagong Bayani.

 

 

 

 


Usapang Langis, nakakainis!

 

 

 

 

Noong April 1996, ang gasolina at diesel ay nagkakahalaga lang ng P9.50 at P7.03 bawat litro. Ang LPG naman ay P145.15 ang bawat 11-kilong cylinder na karaniwang ginagamit sa mga bahay.

Ayon sa Oil Monitor (1 February 2011) ng Department of Energy, ang price range ng gasolina sa ngayon ay P47.55 – P48.89 bawat litro, samantalang ang diesel ay P39.20-P41.35 bawat litro.

Sa kaso ng 11-kg LPG, ito naman ay P686.00-P743.00. Putcha!  nangangahulugan  ito ng mahigit 400 porsiyentong pagtaas sa presyo ng gasolina, diesel at LPG sa loob ng 15 taon!

 

 

 

 

 

 

 

 

Ginawang batas ang Oil Deregulation Law noong 1998. Sabi ng gobyerno noon, makakabuti daw  ito sa bansa at mamamayan   dahil magkakaron ng competition at magmumura ang presyo ng mga produktong petrolyo. Pero simula  nang maisabatas ito noong 1998, tinatayang tumaas na ng 653% ang presyo ng mga produktong petrolyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

Dahil sa Oil Deregulation law, isinusuko ng gobyerno ang kanyang kapangyarihan na i-regulate ang industriya at lokal na presyo ng langis, at naging hadlang ito sa pag-usbong ng pambansang industriya ng langis sa ating bansa.

Alam nyo bang  sa SMS/text lang pinapaalam ng mga kumpanya ng langis sa Dept. of Energy ang bawat oil price hike? Walang hiya! SMS/text lang!

Tinatayang P7.50 kada litro ang average na overpricing ng mga petroleum products sa bansa ngayon. Sa bawat araw, may labis na tubo ang mga kumpanya ng langis na P369.65 million kada araw, o mga P27,000 kada minuto. Samantala, magdadagdag na tayo ng piso sa pamasahe natin sa bus.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sa halip na ibasura ang Oil Deregulation Law, binuo ni Pangulong Aquino ang Inter-Agency Energy Contingency Committee (IECC), sa pangunguna ng DoE, para tugunan ang epekto sa industriya ng langis sa krisis sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika.

Pero ang tanging nagawa ng IECC ay sabihan ang mga kompanya na tiyakin ang kanilang suplay ng langis. Wala rin itong aksiyon hinggil sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo, maliban sa “umapela” sa mga kompanya ng langis na bigyan ng diskuwento ang Public Utility Vehicles.

 

 

 

 

 

 

 

Para sa mga drayber ng dyip na gumagamit ng diesel, ang price range na P39.20 – P41.35 bawat litro ay nangangahulugan ng VAT na P4.70 – P4.96 bawat litro. Kung halimbawa’y sampung litro ang ipinakarga ng isang drayber sa kanyang dyip, simple lang ang ibig sabihin nito: Kumita nang halos P50 ang gobyerno mula sa kanyang pamamasada!

At sa bawat pagbili ng LPG ng mga nanay at tatay natin , ang P686.00 – P753.00 na binabayaran ay nangangahulugan ng VAT na P82.32 – P90.36.  Putcha! Ang laki ng kinikita gobyerno sa bawat pag-order natin ng LPG!

Hindi tuloy nakakagulat na noong 2009, lumalabas sa preliminary data ng Department of Finance (DOF) na umabot sa P20.5 bilyon ang koleksiyon mula sa VAT sa mga produktong petrolyo. Ito ay 27 porsiyento ng kabuuang net revenue impact ng VAT na P75.9 bilyon para sa nasabing taon.

 

Tinanggihan  ng gobyerno ang panukalang suspensiyon (Sen. Miguel Zubiri) at pagbawas (Sen. Ralph Recto) sa 12% na Expanded Value-Added Tax (E-VAT) sa mga produktong petrolyo. Tinatayang P6 kada litro ang kaagad mababawas sa presyo ng langis kapag tinanggal ang E-VAT.

 

Kung sa tingin mo isa itong malaking kalokohan at dapat ng ibasura ang Oil Deregulation Law, punta ka sa page na to at i-like mo.

 

Salamat sa Bulatlat at PinoyWeekly sa mga impormasyon.

 

 

 


Angry Birds : Middle East Version

 

 

 

Stuck on a tricky level? Out of levels play? Bring on the Mighty Eagle of  United States of America!

Sana merong Mighty Eagle sa totoong Angry birds! 🙂


Hindi matatapos ang mga pagbitay sa ating mga Kababayan

 

 

 

Hindi matatapos ang mga pagbitay sa mga Pilipino sa ibang bansa hangga’t nananatiling atrasado at laganap ang kahirapan sa Pilipinas. Maraming Pilipino pa rin tulad nina Sally Ordinario-Villanueva, Elizabeth Batain at Ramon Credo ang magtutungo sa ibang bayan para makipagsapalaran at sa bandang huli ay mabibiktima rin ng ibat-ibang sindikato. Dapat patuloy tayong makipaglaban para sa tunay na pagbabago sa ating bayan.  Ipaglaban natin na  magkaroon tayo ng disenteng  trabaho at kabuhayan.

 

Sila ba ang bagong bayani?

 


Noli De Castro! Pulpolitiko!

 

 

 

Nabuhay na naman ang career ni Noli sa pagbabalita! Araw-araw na naman natin syang naririnig sa radyo tuwing umaga at napapanood sa TV tuwing gabi. Nasasaksihan na naman natin ang kanyang mga kritika sa mga anomalya sa loob ng goyerno at ang panggigisa sa mga public official .

 

Di ko alam sa inyo pero naiirita ako!

 

 

 


 

Kapal ng mukha nya! E ang daming nya pang isyung di nasasagot nung Vice President pa sya tulad na lang ng mga anomalya sa mga housing projects nya. Kung makahirit siya para di sya naging alagad ni Gloria!

 

Wag tayong makalimot na naging parte si Noli sa gobyernong isinusuka at isnusumpa ng maraming Pilipino.

 


Akala ata pugad

 

 

 

Makapal ang pugad diba? Weird ng ibon na to.

 

 


Kelan kaya magiging ganito ang DPWH?

Check nyo to mga tsong.

 

 

 

Eto ang isang road sa Japan na nasira dahil sa earthquake at tsunami.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

After 6 days….

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


 

Tsaran! Magic!

 

 

 

Posible rin to sa Pinas. Posible, kapag kumapal buhok ni P-Noy.

 

Pucha! E ung daan nga sa may amin. Yung ****-**** Avenue, 5 taong nang bako-bako at di nawawalan ng baha e. Berde na ung tubig at tinubuan na ng mga puno ng aratiles.  Di tuloy madaanan ng mga sasakyan.

 

Galing  dito ang astig na balitang yan.

 

 

 


%d bloggers like this: