Pulpol na Embahada sa Japan

 

 

 

Iinit pa ang ulo mo sa mga ito :

1. Ayon sa mga estudyante sa Sendai, dumating  ang emergency response team ng Philippine Embassy 2 days after ng sakuna.  Pero wala daw itong dalang supply ng pagkain at wala rin daw ipinakitang evacuation plan.

2. Gusto daw ni Ambassador Manuel Lopez na i -evacuate angbuong staff ng embassy mula Japan.  Ngunit pano naman naman ang mahigit kumulang na 6,500 pinoy na sa North eastern part ng Japan? Ang daming pang trap na mga Pinoy. Ano yun? Iiwan nyo na lang? Inuna nyo pa sarili nyo.

3. May iniative na pagkilos ang mga OFW sa Japan tulad ng ginawa ng Migrante International upang tulungan ang mga kapwa Pinoy na naapektuhan ng sakuna sa Japan. Nagtayo sila ng page sa Facebook kung saan pwede makakuha ng impormasyon ang mga Pinoy dito sa Pilipinas tungkol sa stiwasyong ng kanilang mga kamag-anak sa Japan at sa krisis. Ngunit  ang effort na ito ay inaangkin pa  daw  ng Philippine embassy.

4. Wala daw budget? Kaya di daw pwede sagutin ng gobyerno ang pamasahe ng mga Pinoy na gusto ng umuwi sa Pilipinas, kanya-kanya daw muna.

Una sa lahat, biktima sila ng sakuna. Malamang, walang pera ang mga yan. Maraming sa mga OFW ang may pamilyang binubuhay kaya sa oras na natanggap nila ang knilang sweldo, derecho agad yan sa Pilipinas at magtitira lang sila ng sapat ng panggastos nila. Kaya karamihan sa kanila walang perang naipon para sa kanilang pamasahe pauwi ng Piliponas.

Eto pa, ayon sa Migrante International  umaabot sa 12 porsiyento ng kabuuang remittances ang inaambag ng mga migrante sa Japan, na nagkakahalagang $883 Milyon noong 2010.

E nasaan na ang pera?

 


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: