E-VAT sa langis, laking tipid kapag inalis!

 

 

 

Magkano ba ang matitipid pag ang E-VAT ay inalis?

 

Para sa mga drayber ng dyip na gumagamit ng diesel, ang price range na P39.20 – P41.35 bawat litro ay nangangahulugan ng VAT na P4.70-P4.96 bawat litro. Kung halimbawa’y sampung litro ang ipinakarga ng isang drayber sa kanyang dyip, simple lang ang ibig sabihin nito: Kumita nang halos P50 ang pamahalaan mula sa kanyang pamamasada!

At sa bawat pagbili ng LPG nina nanay at tatay, ang P686.00 – P753.00 na binabayaran ay nangangahulugan ng VAT na P82.32 – P90.36.  Malinaw na kumikita ang pamahalaan sa bawat pag-order mo ng LPG!

Kaso tinanggihan  ng gobyerno ang panukalang suspensiyon (Sen. Miguel Zubiri) at pagbawas (Sen. Ralph Recto) sa 12% na Expanded Value-Added Tax (E-VAT) sa mga produktong petrolyo. Tinatayang P6 kada litro  sana ang agad na mababawas sa presyo ng langis kapag tinanggal ang E-VAT.

Dagdag pang info.

 

 

 

 

 

May mga tumututol sa pag-alis sa E-VAT.  Sayang daw kasi ang malaking pera na nakukuha ng gobyerno dahil ginagamit daw ito sa mga serbisyong pang mahirap.

Pero teka, ayon sa Bayan (2004 data pa to, malamang mas tumaas pa to ngayon) nasa P100-150 bilyon ang nawawala sa tariff cuts, P32.6 bilyon sa fiscal incentives, P30.7-51.4 bilyon sa VAT evasion, at P51.3 billion para sa income tax evasion. Kabilang pa sa mga nasangkot sa tax credit scam ay ang dayuahng kompanya ng langis na Pilipinas Shell sa halagang P600 milyon. Yan ang dapat singilin ng gobyerno, hindi tayo!

Tapos eto pa, 20% ng ating national budget ay napupunta sa graft and corruption.

Pero ito lang ang punto ko mga tsong, kung aalisin o sususpendihin man ang E-VAT, tiyak direkatang mapapakinabangan ito ng mamamayan.  Kung dadadaan pa ang pera o buwis sa loob ng gobyerno tiyak paglabas, bawas na to at malabnaw na serbisyo ang naghinhintay sa ating mga Pilipino.

Kaw tsong? Anong gusto mo?

 

 

 


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: