Usapang Langis, nakakainis!

 

 

 

 

Noong April 1996, ang gasolina at diesel ay nagkakahalaga lang ng P9.50 at P7.03 bawat litro. Ang LPG naman ay P145.15 ang bawat 11-kilong cylinder na karaniwang ginagamit sa mga bahay.

Ayon sa Oil Monitor (1 February 2011) ng Department of Energy, ang price range ng gasolina sa ngayon ay P47.55 – P48.89 bawat litro, samantalang ang diesel ay P39.20-P41.35 bawat litro.

Sa kaso ng 11-kg LPG, ito naman ay P686.00-P743.00. Putcha!  nangangahulugan  ito ng mahigit 400 porsiyentong pagtaas sa presyo ng gasolina, diesel at LPG sa loob ng 15 taon!

 

 

 

 

 

 

 

 

Ginawang batas ang Oil Deregulation Law noong 1998. Sabi ng gobyerno noon, makakabuti daw  ito sa bansa at mamamayan   dahil magkakaron ng competition at magmumura ang presyo ng mga produktong petrolyo. Pero simula  nang maisabatas ito noong 1998, tinatayang tumaas na ng 653% ang presyo ng mga produktong petrolyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

Dahil sa Oil Deregulation law, isinusuko ng gobyerno ang kanyang kapangyarihan na i-regulate ang industriya at lokal na presyo ng langis, at naging hadlang ito sa pag-usbong ng pambansang industriya ng langis sa ating bansa.

Alam nyo bang  sa SMS/text lang pinapaalam ng mga kumpanya ng langis sa Dept. of Energy ang bawat oil price hike? Walang hiya! SMS/text lang!

Tinatayang P7.50 kada litro ang average na overpricing ng mga petroleum products sa bansa ngayon. Sa bawat araw, may labis na tubo ang mga kumpanya ng langis na P369.65 million kada araw, o mga P27,000 kada minuto. Samantala, magdadagdag na tayo ng piso sa pamasahe natin sa bus.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sa halip na ibasura ang Oil Deregulation Law, binuo ni Pangulong Aquino ang Inter-Agency Energy Contingency Committee (IECC), sa pangunguna ng DoE, para tugunan ang epekto sa industriya ng langis sa krisis sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika.

Pero ang tanging nagawa ng IECC ay sabihan ang mga kompanya na tiyakin ang kanilang suplay ng langis. Wala rin itong aksiyon hinggil sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo, maliban sa “umapela” sa mga kompanya ng langis na bigyan ng diskuwento ang Public Utility Vehicles.

 

 

 

 

 

 

 

Para sa mga drayber ng dyip na gumagamit ng diesel, ang price range na P39.20 – P41.35 bawat litro ay nangangahulugan ng VAT na P4.70 – P4.96 bawat litro. Kung halimbawa’y sampung litro ang ipinakarga ng isang drayber sa kanyang dyip, simple lang ang ibig sabihin nito: Kumita nang halos P50 ang gobyerno mula sa kanyang pamamasada!

At sa bawat pagbili ng LPG ng mga nanay at tatay natin , ang P686.00 – P753.00 na binabayaran ay nangangahulugan ng VAT na P82.32 – P90.36.  Putcha! Ang laki ng kinikita gobyerno sa bawat pag-order natin ng LPG!

Hindi tuloy nakakagulat na noong 2009, lumalabas sa preliminary data ng Department of Finance (DOF) na umabot sa P20.5 bilyon ang koleksiyon mula sa VAT sa mga produktong petrolyo. Ito ay 27 porsiyento ng kabuuang net revenue impact ng VAT na P75.9 bilyon para sa nasabing taon.

 

Tinanggihan  ng gobyerno ang panukalang suspensiyon (Sen. Miguel Zubiri) at pagbawas (Sen. Ralph Recto) sa 12% na Expanded Value-Added Tax (E-VAT) sa mga produktong petrolyo. Tinatayang P6 kada litro ang kaagad mababawas sa presyo ng langis kapag tinanggal ang E-VAT.

 

Kung sa tingin mo isa itong malaking kalokohan at dapat ng ibasura ang Oil Deregulation Law, punta ka sa page na to at i-like mo.

 

Salamat sa Bulatlat at PinoyWeekly sa mga impormasyon.

 

 

 


5 responses to “Usapang Langis, nakakainis!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: