Monthly Archives: Abril 2011

Sana ganito na lang sa Kongreso at Senado





Walang deba-debate.

Walang satsat.

Walang papogi.

Sa madaling salita..


Wala nang kung ano-anong pang $h^t!


Let’s get it on!











PULPOLitiko of the Day





Alam nyo na. Walang iba..



Outgoing Ombudsman Merceditas Gutierrez



Dahil ang isang PULPOLitiko ay talagang makapal ang mukha.

Kaya mapapa -OMG! ka kung tablan man sila.







Ang tunay na kwento sa marahas na demolisyon sa Laperal, Makati








PAHAYAG SA MEDIA
29 Abril 2011

Kundenahin ang Labis na Karahasan sa Demolisyon ng Laperal Compound!


Labanan ang Kahirapan at Pambubusabos sa Mamamayan!





“Laban, Laperal! Tutulan ang pambubusabos at karahasan!”


Ito ang panawagan ng mga residente ng Laperal Compund Guadalupe Viejo, Makati bilang pagkundena sa marahas na demolisyong naganap sa kanilang komunidad kahapon. Dalawang residente, sina Natnat Maglente at Ramil Sagun ang nabaril sa insidente, samantalang isang bata naman ang napabalitang namatay matapos ma-tear gas.


Kinondena ni William Balderas, presidente ng COURAGE Partylist-Laperal ang karahasang naganap sa demolisyon kahapon.


“Sa harap ng isang libong (1,000) pwersa ng Makati Public Safety (MAPSA), walong (8) trak ng kapulisan ng NCRPO , inupahang mahigit sa limang daang (500) construction workers ng Helmark Construction Co., tatlong fully-armed assault teams ng SWAT, humigit kumulang na dalawang daang (200) goons at tatlong fire trucks na magpapalayas sa amin, lohikal lang na ipagtanggol namin ang aming mga tirahan at kabuhayan. Dinidepensahan lang namin ang aming mga pamilya at kabahayan.”


“Kung tutuusin, ang lokal na pamahalaan ang may malaking pananagutan: na-tear gas kami, may dalawang kasamang naospital dahil sa tama ng bala at maraming kabataan ang dinampot at binugbog ng mga pulis. Na-bulldozer ang aming mga bahay, pinaulanan pa kami maanghang na tubig ng mga bumbero. Nasunugan na kami kamakailan lang at na-demolish pa. Ngayon, kami pa ang nasabihang marahas? Nasaan ang hustisya doon?” tanong ni Balderas.


Samantala, sa isang press conference na isinagawa bago ang kilos-protesta sa Makati City Hall, mariing pinasubalian ni Ellen Ordonez, bise presidente ng Damayan ng Mahihirap sa Laperal ang mga pahayag ng lokal na pamahalaan ng Makati. Ayon kay Ordonez, pinagtatakpan ng lokal na pamahalaan ang pananagutan nito sa naganap na demolisyon.


“Sinasabi ni Mayor Binay na danger zone daw ang Laperal at concerned sila sa kaligtasan ng mga residente kaya nila kami pinipilit na umalis dito. Marami raw billboards na marupok na ang pundasyon at mapanganib para sa mga tao na manatili pa rito. Lehitimo kaming mga residente at botante ng Makati. Kung ganon, responsibilidad ng city officials na tanggalin ang mga billboards na yan.


“Iisa ang sentimyento ng mga taga-Laperal. Kung mananatili kami rito, posibilidad lamang ang kamatayan. Pero kung ililipat kami sa Calauan o sa Montalban, siguradong-sigurado ang kamatayan namin dahil malayo ito sa mga batayang serbisyo: walang kuryente, tubig, malayo sa pagamutan, walang eskwelahan. Kalokohan ang sinasabi nila na may bahay doon. Ni walang maibigay na dokumento o anumang katibayan na mapapasamin nga ang mga lupang pagtitirikan namin sa Calauan. Sa ganoong kalagayan, unti-unti kaming pinapatay ng pamahalaan: magiging libingan na naming ang lupang pagtitirikan namin!” sabi ni Ordonez.


“Sinasabi rin nilang pugad raw ng mga sindikato at kriminal ang Laperal. Posibleng meron ngang nagpapa-upa ng mga kwarto sa komunidad pero exaggerated ang sabihing umaabot daw ng P3,000-P5,000 ang upa dito, hindi sila nagpapa-upa para magpayaman. Kung meron mang nagpapa-upa, ginagawa nila ito para makaagapay sa kakarampot na kinikita nila sa araw-araw, hindi para magsamantala at magpayaman,” dagdag ni Ordonez.


“Kasinungalingan din ang pinangangalandakan ni Mayor Binay na nakipag-dialogue na siya sa amin. Ang totoo, mula nang nasunugan kami, sinisikap na naming makausap siya para humingi ng tulong pero ni minsan ay hindi nya kami hinarap. Noong makalawa, pumunta kami sa City Hall para makipag-usap dahil pinalibutan na ng mga pulis at MAPSA ang Laperal. Hindi nya kami hinarap. At pagbalik namin sa komunidad, nalaman naming inatake na pala ang barikada habang wala kaming mga lider. Anong dialogue ang sinasabi nya? Hinahamon namin siya ngayon, humarap siya sa amin at makipag-usap. Mahigit dalawang libong (2,000) pamilya ang apektado rito, na pinakinabangan nya noong panahon ng eleksyon. At ngayon, itataboy niya na lang kami ng basta-basta?” dagdag pa ni Ordonez.


Samantala, sinuportahan naman ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees  (COURAGE) ang panawagan ng mga taga-Laperal para sa kabuhayan at panlipunang hustisya.


Ayon sa Pambansang Tagapangulo ng COURAGE na si Ferdinand Gaite, “Responsibilidad ng pamahalaan na itaguyod ang kapakanan ng mamamayan, sa halip na interes ng iilang negosyo’t mayayaman. Makatarungan ang hiling ng mga residente na itigil ang pambubusabos at karahasan, lalo na kung ang estado ang may pakana nito. Sa panahong ito, dapat manaig ang makatao at makatarungang pagturing, sa halip na karahasan ang manaig.”


“Sa pusturang ito ng pamahalaan, tila ba kasalanan o krimen na ang pagiging mahirap sa Pilipinas. Itinuturing nilang squatters, mga kriminal ang mga maralitang tagalunsod: mga hayop na pwedeng palayasin ng basta-basta,  samantalang hindi inuungkat kung ano ang ugat ng pagkakaroon at patuloy na pagdami ng mga maralitang tagalunsod sa Metro Manila.”


“Kung susuriing mabuti, maiuugat pa rin ito sa kapabayaan ng gobyerno na bigyan ng sapat ng kabuhayan at batayang serbisyo ang kanyang mga mamamayan. Dahil sa kawalan ng hanapbuhay sa mga probinsya, marami ang lumuluwas ng Maynila para maghanap ng trabaho. Subalit pagdating sa lungsod, kawalan ng hanapbuhay, matinding pambabarat sa sahod, kawalan ng disenteng tirahan at batayang serbisyo ang kinakaharap ng mamamayan: lahat dulot ng matinding kapabayaan ng gobyerno.  Kaya naman, maling sisihin ang mga residente ng Laperal sa naganap na marahas na demolisyon kahapon: sa harap ng matinding kahirapan at pambubusabos, wala silang ibang ginawa kundi ang magkaisa sa pagtatanggol sa kanilang karapatang mabuhay,” pagtatapos ni Gaite.






Prince William Versus P-Noy





Paunahan na lang sila. Kanino ka pupusta?







Good News: Minimum wage to rise 25%










Asa ka pa!

Sa Venezuela lang to magaganap. Itataas ang sweldo nila ng 25 % kaya ang magiging monthly salary nila ay $360 ( Php15,555.24 ).



Kaya CONGRATS sa mga taga-Venezuela!



Check nyo dito.










Sa Pilipinas?







No wage hike by May 1, says labor secretary 


Kaya GOODLUCK sa mga Pinoy! 🙂




Galing ang mga larawan dito at dito.







PULPOLitiko of the Day





Ang maswerteng napili..



Commission on Elections



Dahil ang PULPOLitiko ay sosyal.

Kung kaya, never itong bibili ng cheapanggang gamit.




Alamin kung gaano sila ka sossy.




Galing dito ang logo ng COMELEC.





May Tamang Balita


Wag nyong  itatabi tong taong to kay P-Noy.



Salamat sa rockthelist.com  para sa balitang to.



(Mga) PULPOLitiko of the Day





Ang mga maswerteng napili..





Francisco Duque III                                                          Alberto Romulo

    former Health Secretary                                  former Foreign Affairs Secretary

Rep. Gloria Macapagal Arroyo                             Virgilio Angelo

                                                                                    former OWWA Administrator




Dahil para sa mga PULPOLitiko, di problema ang pera tuwing eleksyon.

Tsaran!  Magic lang ang kailangan.




 Check nyo dito kung paano sila mag magic.







Now Hiring: Mga Katulad ni Mikey Arroyo


Dapat sa mga kumpanyang to magtrabaho si Mikey Arroyo at iba pang mga PULPOLitiko.

(at iba pang mga PULPOL sa showbiz)










Pay Your Taxes? These 10 Companies Didn’t.





Galing yan dito.







Dahil malapit na ang May Uno







Pero teka? Bakit nga ba iba-iba ang sahod sa iba’t ibang rehiyon?

Mas mura daw kasi ang halaga ng pamumuhay doon.

Pero totoo nga ba ito?

Makano bang noodles sa Mindanao? Sampung Piso.

Ang sardinas sa Cordillera? Dise Otso.







%d bloggers like this: