Hindi PR ang may sala, bugok!

 

 

Sa pagbaba ng net satisfaction rating ni P-Noy ng 13pts, sino ba ang dapat sisihin.

Sabi ng Malacanang,  ang kanilang PR ang dapat sisihin. Hindi daw ito naging agresibo sa pagpapakita sa mamamayan ng mga naging tagumpay ng administrasyon ni P-Noy.

Galing yan dito.

Ano sa tingin nyo mga tsong?

 

Eto ang tingin ko.

 

 

 

Bumili ba naman siya ng Porsche na worth 4.5 million e.

Pagpapakita ito ng pagiging insentitive sa kahirapan na nararanasan ng mga pinoy. Pero hindi lang ito ang dahilan ng pagbaba ng ratings niya, kundi ang mga problemang sosyal at pang-ekonomiya ng ating bansa na hindi niya mabigyan ng hakbang.

Pano ka mag mag-iexpect ng mataas ng rating kung eto ng ginagawa ng gobyerno mo..

 

 

Nagtataasang presyo ng produkong petrolyo!

 

 

 

Overprice sa P7.50 sa presyo ng langis kada litro!

Pagkonsinte sa mga sabwatan ng mga Oil Companies sa presyuhan ng langis!

Band Aid Solution na pagbibigay ng P3 oil subsidy sa mga PUVs.

 

 

 

 

 

Pagiging ningas-kugon pagdating sa dagdag sweldo!

 

 

Nagtataasang presyo ng produkto!

Nagtataasang pamasahe!

Pano naman ang sweldo?

Ang mga empleyado ng Philippine Airlines nag strike dahil aalisan sila ng trabaho!

At ginawa ng gobyerno, pina-ban ang strike at tila suportado pa ang pagtanggal sa 3,000 empleyado ng PAL.

 

 

 

Walang kalatoy-latoy at makukupad na hakbang sa pagtulong sa mga OFW

 


 

 

Late na mga pag evacuate  sa mga Pinoy na natrap sa gulo sa Middle East at Japan.

Kawalang askyon hinggil samga  kaso ng OFWs  sa ibang bansa tulad na lang ng mga     Pinoy na nabitay sa China.

Kung hindi pa na media ang nangyari sa 3 pinoy sa China, hindi pa sila kikilos.

At dahil nabitay na, saka pa lang gumawa ng mga aksyon para hindi na maulit ito.

 

Ngayon, sino ang dapat na sisihin?

 

 


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: