Si Gloc 9 at ang kanyang totoong Musika

 

 

 

Ang Rap music na alam ko

Noon pa man,  hindi na ako nahilig sa Rap Music (maliban sa ilang kanta ni Francis M.) . Di ko kasi maintindihan yung mga sinasabi ng mga Rapper dahil ang bibilis nila pagsalita. Parang pabilisan lang ng pagbigkas ang labanan at hindi na pinahahalagahan kung naiintindihan pa ba ito ng mga nakikinig sa kanila. Minsan, may double meaning din ang mga kanta nila. Hinding-hindi makakalimutan yung kantang may lyrics na “Jabongga, jabongga, ja ja jabongga. Mula gabi hanggang umaga” dahil hanggang ngayon di pa rin ako sure kung anong ibig sabihin ng salitang Jabongga. Ang dami kasi nitong ibig sabihin at depende kung saang konteksto mo ito gaggamitin.

 

 

 

Paghanga

Mabalik tayo kay Gloc 9. Nang marinig ko yung kanta niyang UPUAN, dun nakuha ang atensyon ko. Astig ng lyrics at tono, may sense kung baga. Masasabing mo ring  pinag-isipan at hindi lang ginawa para lang  magka album.Napapahon nung inirelease ito nung Oct. 2009. Panahon ito kung saan malakas ang panawagan ng mga tao na patalsikin si Gloria ngunit kapit-tuko pa rin ito sa Malacanang.

Lalo pa akong humanga nang masundan pa ito ng iba pa nyang mga kanta tulad ng MARTILYO at WALANG NATIRA.  Kaya ngayon, masasabi ko na na appreciate ko na ang mga Rap Music lalong-lalo na yung mga kanta ni Gloc 9.

 

 

 

 

Lupet ng timing

Sa tingin ko, malaking dahilan ng pagsikat niya  e yung timing ng pagkaka release ng kanyang mga kanta. Napapahon o akma sa sitwasyon kung kaya’t patok sa maraming tao. Nakikita at nararanasan kasi natin yung nilalaman ng lyrics ng mga kanta. Ganun naman diba? Gusto mo ang isang kanta kung nakakarelate ka dito.

 

 

 

 

Form and Content

Sa tingin ko, para maging astig ang isang kanta dapat meron itong Form at Content. Ibig sabihin, hindi lang maganda yung mga teknikal na aspeto kundi meron ding laman at progresibo.  Di pwedeng astig ung lyrics pero yung tono e parang kindergarten ang gumawa. Di rin pwede na malupet ang tono pero tae ang lyrics. Dapat pereho silang astig at malupet. Diba?

 

Sana marami pang katulad ni Gloc 9 na makapasok sa mainstream. Mga musikerong bitbit ang mga musikang hindi iniluwal ng komersyalisasyon kundi musikang nilikha ng realidad at katotohan.

Ganyan ang mga musika ni Gloc 9. Totoo. Nagmumulat. Nanghahamon.

 

 


4 responses to “Si Gloc 9 at ang kanyang totoong Musika

  • batopik

    Ayaw ko din sa rap, nakakairita pakinggan. Pero dahil binasa ko ito, papakinggan ko na si Gloc 9. Meron din silang kanta na tungkol sa mga guro na pumupunta sa ibang bansa, narinig ko lang sa radyo dati. Wala lang. At least ito may pakialam sa Pinas.

  • batopik

    Aww. Oo nga, ang lupit ng Gloc 9. Upuan pa lang yung napapakinggan at napanood ko. Tsk. May extreme bulletproof ata ang mga politiko kaya di natatablan.

    Anyway, taga-school namin yung gumawa ng video. Wala lang. Proud lang HAKHAK.

  • kai

    idol kita dun pa lang sa kanta mong bakit with cookie chua..mga kakatwang kwento sa one day isang araw..teka muna masamayan atpb.. dami kung imensyon eh

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: