Mas malinaw pa sa sikat ng araw





2 responses to “Mas malinaw pa sa sikat ng araw

  • DwightD.

    Sir, nais ko pang maliwanagan. Talaga bang atin ang Scarborough Shoal at minamata-mata lamang tayo ng Tsina? O may pinag-ugatan sa kasaysayan ang kanilang pag-angkin? Katulad na lamang po ng Sabah na may bakas sa ating kasaysayan kung kaya’t hindi natin makuha sa Malaysia.

    • PULPOLitika

      Tsong, di ako magaling sa paliwanagan. Kaya nga puro picture lang tong blog ko e. Hahaha! Pero di kita bibiguin. Titiyaking kong maliliwanagan ka.

      Kung di mo alam ang isang bagay, GMG mo ayon kay ourd de Veyra. Ano ang GMG? Google mo, Gago! Biro lang wag kang ma-offend.

      Seryoso, ipapaliwanag ko na.

      1. Ating ang Scarborough Shoal. (walang pag-aalinlangan)
      – Tama ka ng basa, atin talaga ang Scarborough Shoal. Paano ko nasabi? Nakapaloob kasi ang Scarborough Shoal sa 200-nautical mile exclusive economic zone (EEZ) na itinakda ng UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Kuha mo? Ang UNCLOS nga pala ang pinaka matinding legal basis sa pagtatakda o sa pagsasabi kung ano ang territorial see at EEZ ng isang bansa. Ibig sabihin, kung pagbabatayan ang UNCLOS, siguradong atin ang Scarborough Shoal.

      2. Historically, sa China daw ang Scarborough Shoal.
      – Una, Tengene nila! May mga archaeological evidences na nagpapakita na ang reefs, islands at shoal (na inaangkin ng China) ay ginamit mga ninuno natin noong prehistoric times. Ibig sabihin, kung kasaysayan lang din ang pagbabatayan, meron din tayong basehan.

      -Pangalawa, kaabnormalan lang talaga tong “HISTORICAL CLAIMS” ng China. Parang mo rin kasing sinabi ang aangkinin ng ITALY ang lahat ng nasakop na lugar noon ng ROMAN EMPIRE. Diba? Isa pa, hindi naman mga Tsino ang nagbigay ng pangalan sa “China Sea” kundi ang mga European cartographer. So maling sabihin na ang buong China Sea ay sa kanila. Bakit ba ang Indian Ocean? Lahat ba yun pagmamay-ari ng India?

      3. Hindi lang China ang dapat bantayan natin. Mas kailangan bantayan ang US.
      – Halos lahat ay naghihimutok sa pinaggagawa ng China pero di natin napapansin matagal na tayong INDIRECT na sakop ng US. Mas matindi ang US, dahil di lang teritoryo ang sinasakop nito , pati ekonomiya, pulitika at kultura ng Pilipinas ay halos kontrolado na nito. Sinasamantala nga ito ng US para lalong makaposisyon sa Pinas. (mahabang paliwanagan ko pag itinuloy ko)

      4. At eto na ang huli
      – Kaya dapat makialam tayo. Dapat ipagtanggol ng mga Pinoy ang ating national sovereignty and territorial integrity hindi lang sa isyu sa Scarborough Shoal o Spratlys kundi maging sa lahat ng reefs, islands at shoals na sakop ng 200-nautical mile exclusive economic zone. Wag lang tayo umasa sa gobyerno ni Noynoy (na walang namang ginagawa kundi magpabully sa China at magpakatuta sa Kano), dapat gumawa tayo ng sariling pamamaraan at maging mapagbantay. Tulad nito. Kahit paano, paunti-unti may napupulot tayong kaalaman nagiging updated tayo. Tama na to, lumalabo na pinagsasabi ko. Ano Tsong, naliwanagan ka ba?

      Salamat sa pagtatanong Tsong! Sa uulutin. Pinagod mo ako. Letche! hahaha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: