PULPOLitiko: Mike Enriquez



Alam kong di pulitiko si Mike Enriquez, pero tengenengyen! PULPOLitiko lang talaga ang makakapagsabi ng ganito.



5 responses to “PULPOLitiko: Mike Enriquez

  • pilar marquez ladioray

    tama naman ang sinabi nya! bibili ka ng lupa para sa pamilya mo, at pag di naingatan, squatter ang lilipat. di bale kung aalis sila pag kailangan mo na. gagastusan mo pa at hahanap ng paglilipatan nila! parang ibig mong sabihin ok magtirik na lang kahit saan para magkalupa, kasi bibigyan ka naman ng paglilipatan? may karapatan rin naman ang mga may-ari. hwag na lang magsiksikan dito sa maynila kasi talagang mahirap buhay dito. pahirapan ang trabaho at tirahan. mga taga dito nga gustong mag probinsya kaya lang wala silang mga lupa at hanapbuhay dun.

    • pilar marquez ladioray

      ang di ko gusto sa nangyari sa silverio compound ay yung paggamit ng karahasan. magkabilang panig! bakit parang inaangkin ng mga nakatira dun yun lupa. e ano ngayong kung 5, 10, o 20 taon ka tumira dun? napakinabangan na rin naman nila. buti nga paglipat sa montalban pagkakataon na nila na magkaroon nh sarili nilang lupa.

  • PULPOLitika

    Hi Pilar.šŸ™‚ Chill lang ha. Tropa-tropa tayo dito. Eto na naman, mapapasabak na naman ako sa mga paliwanagan. Sabi ko nga, di ako mahusay sa mga paliwanagan kaya puro pictures lang tong blog ko. But let me try. Sububkan ko itong linawin. Basta buksan lang natin ang isip natin. Oks?

    Tulad mo, di ko rin gusto ang nangyaring karahasan sa silverio. Nakakalungkot at nakakagalit talaga sa tuwing nakakakita tayo ng mga taong nasasaktan o namamatay sa gitna ng paglaban nila sa kanilang karapatan. Meron dahilan ang kanilang paglaban. Hindi lang dahil sa “inaangkin na lang nila basta-basta lang lupa” o “matigas lang tlga ang mga ulo nila. Eto ang mga dahilan kung bakit ipinaglaban ng mga taga-Silverio ang kanilang lupa.

    1. Silverio compound is the subject of an expropriation case by the City Government during the term of Mayor Joey Marquez.

    – Nagdeposit na ang City Government ng Paranaque ng P10.4 million (sa may-ari ng lupa) para ma-acquire ito at makapagsimula ng makapagbayad ang mga residente sa kanilang mortgage program. Ibig sabihin, hindi sila illegal occupants. Meron silang suporta ng previous administrationā€™s city ordinance. Willing silang magbayad para makaroon sila ng housing security.

    2. This is to comply with a city ordinance issued in 2003 to build a socialized housing project for informal settlers in the sprawling 9.7-hectare property. The plan: turn Silverio shanties into “Silver Homes,” which will consist of 32 medium-rise residential buildings on the property.

    – Sabi ni ParaƱaque Mayor Florencio Bernabe affordable daw ito : kada unit ay makakahalaga ng P550,000, with a monthly amortization of P2,800 to P3,000 payable in 25 to 30 years. Ang proyekto ay magkakaroon daw ng 32 buildings, na may total ng 1,920 residential units.Kada building ay titirhan ng 60 families. Kasama na rin daw dito ang barangay hall, health center, daycare facility at play area.

    Pero eto ang catch: Habang ipinagmamalaki nila na gagawing itong socialized housing project, ang MASTER PLAN pala ay mag-aallocate lang sila ng maliit ng bahagi lupa sa silverio para sa mga bahay na to. At hindi lahat ay magbebenifit sa development na to dahil aroung 1,900 households out of 28,000 currently living in the compound will be offered low-cost units. Yung bulk ng area – 6 hectares – ay gagamiting bilang mixed-use commercial complex that is expected to generate more income for the city.

    Kita mo? Mas inuuna pa ang kita kesa pagbibigay ng bahay at lupa sa mga tao. E hindi naman negosyo ang gobyerno. Ang pagkumita ang gobyerno? tiyak bang babalik yan sa tao? malamang malaking bahagi nyan, derecho sa bulsa ng mga pulitiko.

    3. Ito ay hindi unang violent demolition under the Aquino government. Maraming pang iba. It should make us ask the question, why is it that residents risk life and limb to defend their homes? Hindi ba sila kumbinsido sa pangako ng gobyerno na relocation at housing? Surely something is wrong with how the government is addressing the housing needs of the residents they are targeting with displacement. And if these things happen again and again, shouldnā€™t the government reexamine its housing program?

    4. Sana magbigay tayo ng simpatya sa mga illegal settlers. Kung yung mga PUNO nga sa SM BAGUIO, galit na galit tayo nung pagtangkaang putulin, eto pa kaya na BUHAY na ng TAO ang usapin?

    Tengeneng yan. Hirap magpaliwanag. GMG mo na lang Pilar kung malabo pa sayo.

    • pilar marquez ladioray

      Di kaya dapat lahat ng mga proyekto na pabahay tulad nyan ay pakialaman ni Jojo Binay para walang nagkakasakitan? Dapat may namumuno sa mga ganyan bagay, kung baga, centralized para sa ganun alam ng tao na malinis at ligal. Lahat ng mga bakanteng lupa na nabili o naremata ng gobierno dumaan sa ahensya nya ang mga proyekto? Sa paraang ito maiiwasan ang karahasan. Isang ahensya na magtatakda kung anu=anong maaring gamit sa mga lupang tulad nyan.

      • 25pesocupnoodles

        sang ayon ako may pilar, kung minsan kasi o madalas mangyari may kanya-kanyang intensiyon ang bawat panig. iyon ang sa tingin kong malaking sanhi ng ganitong mga pangyayari. pag pinasukan talaga ng masamang intensiyon sinuman sa kanila, gagawin ang lahat para makamit ang kanilang naisin, kahit itoā€™y magresluta sa pagbubuwis na buhay. bakit ba kasi hinahangad ang sobrang kayamanan at pag-aari, gayong alam nating hindi natin ito maisasama sa ating hukay. o bakit ba naghahangad pa ng ā€œpowerā€ gayong alam nating dapat pantay-pantay lang tayong nilikha ng Diyos. kailangan kaya matatauhan ang bawat isa, kapag huli na ba ang lahat.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: