Mendiola Massacre

mendiola massacre 2

Putragis Amang,
kami’y namamalimos lamang ng kapirasong lupa,
bakit pinaputok ang kanilang sandata?
Hayup nga ba kaming hayup sa turing?
Bakit kaming gutom bala ang pinakain?

Putragis Amang,
ang Palasyo pala ay hindi dulugan ng awa;
ang Kongreso pala’y Kongreso ng panginoong maylupa.
Saan namin hahanapin ang pangakong paglaya?

Putragis Amang,
huwag nila kaming itulak sa dingding;
mabangis sumalakay ang mga ginutom.
Sa tagisan ng bagang kapag wala nang madurog na kaninhuhulagpos ang galit na kimkim!

Sumpain ang US, si Cory, si Starke at mga katulad nila
Silang nagbibigay laya na busabusin ang paggawa
Silang nagpapahintulot sa mga Panginoong Maylupa

O, Hari ng gatilyo,
hukbo ng mga hukbo
–bayani ng mga bukirin!
Idulot mong sa kamay naming
madurog ang mga salarin!

Ang tula ay isinulat ni Ka Mirriam Aledia, 17 anyos nang naganap ang Mendiola Massacre noong Enero 22, 1987.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: