Bawal ang mahirap sa UP

image

Nabalitaan nyo na ba yung UP student na nagpakamatay dahil di makapagbayad ng tuition? Oo, totoo. Sa halip na tulungan sya ng UP admin, pinilipit pa syang mag Leave of Absence.

Bawal na ang mahirap sa UP. Kung wala kang pambayad, goodluck. Mag-enroll ka ng lang ulit pag may pera ka na. Pero teka, State U ang UP diba?  Pampublikong paaralan? Bakit meron ganitong policy? Bakit ang mahal ng tuition fee? Pasado sa UPCAT pero di makapag-enroll kasi walang pambayad.

Unti-unti nang nawawala ang imahe ng UP bilang isang pamantasan ng bayan. Kinakalimutan na rin ng gobyerno ang kanyang tungkuling magbigay ng libre at dekalidad na edukasyon sa kanyang mamamayan. Sa halip na lakihan ang pondo sa edukasyon, binabawasan pa. Habang napakasagana naman sa pork barrel ang ating mga pulitiko.

Pero tandaan natin, ang edukasyon ay karapatan, hindi pribilehiyo. Ang UP at ang iba pang State Universities ay pamantasan ng bayan. Para ito sa mamamayan. Tungkulin nitong yakapin at hubugin  ang sinuman na gustong makapag-aral. Walang sinuman ang dapat pagkaitan ng pagkakataon. Uulitin ko. Walang sinuman ang dapat pagkaitan ng pagkakataon.

Nandito ang buong balita.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: